Tuesday, November 6, 2012

Talent Decay no.1

Pamatay talaga ng talent ang katamaran.
Andami kong dapat gawin na masaya at ok naman talaga.

  • magpaint ng header, background, at gumuhit ng mga post art
  • picturan si Hypnos at Thanatos, mga kuting kong itim
  • magreview para di mapag-iwanan (okey medyo di to masaya)
Maiba lang, ang kyut nung mga takdang aralin ko. Ahihi. Peyborit ko yung sa Art Education. Magdrawing daw kami ng kahit anong magrerepresent sa amin... yung pag nakita daw ng iba, maiisip nila, "Ay, si Eda yan!"
Ya, ginawa akong example ng guro ko.
Wala pa rin akong mapili sa dami na ng naisip ko. Plot twist: crayons lang daw gagamitin. Anak ng bwakina.
Challenging, pwera biro. Eh kasi naman ang hirap gumamit non. Ampangit pangit pangit pangit ng mga drawing ko at parang napaka-untalented ko kapag yun yung ginagamit ko.
Pati na yung oil pastels. Natitiis ko lang gamitin yon pag ginagamitan ko ng brush at baby oil. Pansin ko lang, brush lang yata yung magaling, hindi ako. A ha ha ha wag naman sana.

2 comments:

  1. ARt Education ... . ..*sobs* im so fucking jealous.. . ... Eda baka pedeng pasabay ako sa inaaral nyo dyan..parang sit-in ako...medyo pagod na ko maggawa ng yung 'gusto ko lang'.gusto ko din yung parang may homeworks

    ReplyDelete
  2. Astig nga ang may homeworks hehe. Okay lang? Baka imomove yung class ng Saturday 9:30-11:30 :))

    ReplyDelete