Tuesday, November 6, 2012

*****************


Ang hirap ikwento ng mga nangyari ngayon.
Ok, eto. Susubukan kong ikwento nang payak pero may puso. [Ahay.]

Nabigla ako kasi teacher pa rin namin sa Communication Arts 2 si Miss Castillo.
Lubos na ligaya, iyon ang aking naramdaman. Kasi, she vowed never to teach again.
Isa sya sa mga da'best na mga taong nakilala ko. Mag-collab nga kami ng friends and classmates ko para sa isang pak na pak na blog post tungkol sa kanya?
Si Miss Castillo noong last day namin last sem. Ang ganda nya talaga.

Nag-iba na yung mga kaklase namin. Hindi ko na kaklase si Jamila, BSBA-FM kasi sya. Mga BS Psychology na mga kasama namin sa Com Arts. Nakakalungkot kasi okey na okey syang tao. Minsan lang akong makatagpo ng ganon. Miss ko na sya.

Binigyan ako ni Kai ng pasalubong mula sa Singapore. Hindi ko talaga inaasahan. Nakakatuwa. Haha! Di ko kasi ugali yung paghingi ng pasalubong. Basta basta lang din akong nagbibigay. Di ko sinasabing masamang manghingi, btw.

✰ Thank you, Kai. 

My Logic teacher, out of nowhere, announces that she finds me illogical daw. Lol. Masyado na akong antok para pumalag/ umapela. Yun lang. Maaga kaming dinismiss kaya oks na rin

Ang saya ng Art Class. Yung assignment namin ay isasapapel na namin sa thursday. Goodluck. Crayon lang daw eh. Detalye dito.




No comments:

Post a Comment