1 or 2 years ago? |
Hindi ko naman na talaga kinailangang mag-isip kasi isa si Rapu sa mga talagang solid at fluid na kaibigan ko. Pag kasama ko kasi yung mga yon basta basta na lang lumalabas yung mga ideas and shit (lol not literally ok). Words are flowing out like endless rain into a paper cup kumbaga haha. Feeling ko korni ako at nakakatawa [simultaneously] kapag kasama sila, sya especially.
Oyyyy, special daw oh. Hahaha.
Natutuwa ako kasi hindi sya nagpapakita ng gentlemanly gestures. Pak na pak sa akin yan pagdating sa pagkakaibigan kasi mapapa-yuck lang ako kapag pinambukas nya ako ng pinto or pinang-ano ng upuan o kaya kinompliment yung buhok ko. Hahaha seryoso.
Alas dos na akong natapos sa mga obligasyon ko sa eskwela. Alas dos na rin syang nagtext.
Blah blah blah ayon napagpasyahan na rin nyang puntahan na lang ako sa eskwelahan ko. Haha. Pinagtawanan pa sapatos ko tangina hahaha. Tas ayon kumain kami sa Jollibee. Shang hai rolls ye hey! Ang sarap kasi non, paborito ko yon sa Jollibee. Ang sarap kasi, ugh, ang sarap— di pa bitin. Haha. Naubos na tas nagkwentuhan (KWENTUHAN HA HA HA HA) nang konti tas ayon nagutom na naman kasi andaming kumakain sa paligid. :( Istipageti, prayd chiken... etc. Kawawang magkaibigan. Haha. Buti na lang at mabait sya at bumili sya ng fries. Ahay. Pero wala pa rin eh may mga kumakain pa rin ng mga istipageti at prayd chiken. Blah blah blah umalis na kami at nagtungo ng library.
Isa sa mga napag-usapan: kagat ng lamok |
Panalo. |
I forgot to mention pala, haggard na haggard ako kanina at ang pangit pangit pangit ko na. Ang reklamo naman nya, fluffy na daw yung hair nya.
Madami kaming nakasalubong papuntang library. Haha. May isang pack ng mga estudyante ng Tarlac High na talagang inangkin ang pavement. Yung pinakamaingay sa kanila, may nasabi pang, "Paano mo nga papaharapin eh nakatalikod nga?" Isa ba yong pilosopiya na kailangan ng pagkukuro-kuro? LOL kung oo wala na kaming pake kasi malapit na kami non sa library.
Madami kaming nakasalubong papuntang library. Haha. May isang pack ng mga estudyante ng Tarlac High na talagang inangkin ang pavement. Yung pinakamaingay sa kanila, may nasabi pang, "Paano mo nga papaharapin eh nakatalikod nga?" Isa ba yong pilosopiya na kailangan ng pagkukuro-kuro? LOL kung oo wala na kaming pake kasi malapit na kami non sa library.
Dun sa library nagbasa sya tungkol sa accounting (yata) at ako naman nagbasa ng A Midsummer Night's Dream. Bago yon ay labo-labo muna, haha. Tumingin muna kami ng atlas and all.
May kung anong hiwaga daw sa librong iyan. Nage-gets na daw nya yung mga dati'y hindi nya ma-gets. May notes yata yung previous reader... ewan di ko masyadong tinignan hehe.
Hindi to stolen. Pramis ha ha. May picture din ako sa phone nya ang pangit ko don.
Malapit na kaming abutan ng closing time library. Masaya sanang maabutan ng closing time pero gigil na kaming makipagkita kay Rizza
Si Rizza
na hindi nagrereply
na hindi rin kami sinamahan nung minsan.
Limang minuto kaming naghintay kay Rizza. Dismissal na non. Labasan na ng mga friends at mga school mate ko. LOL saktong yung mga una pang lumabas eh yung friends ko. Nag-hi sila, na parang may kasamang *hmm hmm*. Tas ayon lumabas na si Rizza. Huhu. Kasama nya pala si Raven. Pinakilala nya sa amin si Raven (which happens to be her new love interest? IDKLOL). Di daw sya pwede.
Si Rizza
na may date
na hindi na naman kami sasamahan.
LOL.
Tas ayon hinatid na lang nya kami palabas ng school.
**********
Mas feel ko talagang magkwento na lang ng mga pangyayari kesa idescribe si Rapu. LOL. Baka mamaya cheesy pa, yak. Joke lang. Astig si Rapu. Hehe.
No comments:
Post a Comment