Hindi ako mahilig sa mga surpresa pero mayroon akong mga bagay na napapansin [na hindi ko naman hinahanap at hindi ko rin naman inaasahan] na ang sayang malaman.
Mukhang naaappreciate ako ng mga teacher.
Itanggi ko man nang itanggi, bali-baliktarin man ang mundo, isa pa rin akong excellent student. Hindi talaga ako uhaw sa atensyon at lahat lahat mula sa mga teacher kasi di ko naman talaga kailangan yon, tingin ko. Pero, nakakatuwa lang, ewan ko, nakakatuwa lang talaga.
Si Ma'am Diaz (dati naming dean) kinakausap ako and all, nagpapayo, nagpapalakas ng loob, ayaw akong paalisin sa educ, at malimit akong ginagawang example.
Sabi ni Ma'am Castillo, "You're the only one I can depend on."
Ewan ko lang kung napanindigan ko.
Naaalala ko nung sinabi sa akin ni Sister Isabelle Angela na "Eda! Always dreaming and dreaming!" daw ako. Haha. Eh kasi, lagi nya akong pinapagalitan. Totoo naman kasi. Halimbawa nagdidiscuss sya ng mga nakakadisturb na parte ng Old Testament, gaya ng pagtorture don sa martir na pamilya (matatagpuan sa Maccabees), nakatingin ako sa labas at nangangarap na naman ng absurd na um...pangarap. Isang araw, pagkatapos ng klase, kinausap nya ako at sinabi nya na "God gave [me] something here" sabay turo sa ulo ko. Hehehe. Which reminds me...
Parang totoong may divine providence.
Dun sa pilot post ko nabanggit ko na I am regaining my faith. Totoo yon. Nararamdaman ko kasi na meron talagang Divine. At, dati tingin ko ridiculous na may mga memorized prayers ang mga Catholic. May tinuro samin na dasal: "God Holy Spirit, enlighten us. By Your grace, strengthen us."
Dinadasal ko na yon, ang galing kasi. Napaka-effective. Parang hine-heed talaga ng Divine Spirit.
Si Genevieve.Wala akong masabi. Basta. Masaya [literal] ako kasi kahit papano kilala [at nakakasama] ko sya.
Siguro kailangan ko na talagang gumawa ng feature tungkol sa mga da best na tao.
No comments:
Post a Comment