Wednesday, November 7, 2012

Mula sa Adventures of Huckleberry Finn

Nananatili na lang talaga ako sa eskwela para sa klase at sa wifi. Ewan ko, di na ako masyadong nakikipag-usap. Ayoko yata.

Reference section ng Carlos P. Romulo Library

Pumunta ako sa public library para makapagbasa ng Huck Finn at ma-inspire para sa assignment ko sa art.  Nangyari yung una, yung kasunod di yata.

Plano ko sanang tignan yung mga scientific illustrations ng mga iba't ibang halaman at hayop kasi yun yung gusto kong style sa aking art assignment. Illustration tas scientific name sa ibaba. Napagpasyahan ko na kasing maging hayop o kaya bulaklak para medyo madali nang iexplain at madali na ring magets ng mga kaklase ko yung idodrawing ko.

Yun ang plano ko. Ang nagawa ko, nilook-up na lang ang Cats sa encyclopedia.
Nakita ko na naman yung moth. Nung unang beses ko syang makita, akala ko buhay sya. Andon pa rin sya, di nagbago ang pwesto. Patay na pala.
Nov. 5
Nov. 7

May mga picture akong nakita doon sa encyclopedia na bagay sa "mood board".





Walang ibang tao noon sa reference section kaya nagpicture ako every once in a while habang nagbabasa ng Huck Finn. I hope matapos ko na para makagawa na ako ng review. Pwede namang gumawa na ako ngayon pero palusot ko na lang yon kasi tinatamad ako. Ha ha.


May dumating na, eventually. Mag-boypren gerlpren yata. Cute nung lalake. Haha. Di ko na pinicturan. Di na rin ako nagpicture. Nakakahiya.

Some other stuff:

Napulot ko sa hagdan ng school, hehe.

Naaappreciate ko talaga tong gold something na to.
Btw, ito yung book na Huck Finn at Moby Dick. Hehe.



No comments:

Post a Comment