Alalahanin, alalahanin.
Nakalimutan ko.
********************
********************
Di naman ako tinamad pumasok pero nung nakarating na ako sa school, atat na akong umuwi. Tapos na yung napaka-unproductive kong sem break. Siguro dapat nga nung sem break ko pa sinimulan itong pagba-blog ko para kahit papano ay naudyok akong gumawa ng makabuluhan at "blog worthy" na mga gawain. Wala rin namang nagbabasa so whatever.
Mga napala ko noong sem break:- 48 Watercolour Pencils na ubod nang mahal
- Mga damit at accessories mula sa Artwork
- Mga produkto mula sa iba pa
- 5kg dagdag timbang
- Vertigo (?)
- Mga kaibigan
- Atbp.
Sampol ng doodling ko nung sembreak. Halos mga humanoid creatures lang.
Siguro gagawa din ako ng separate at elaborate blog post tungkol dun [sa sembreak]. Saka na.
********************
Ang bait naming lahat. In fairness, di naman kami nagreklamo. Buti naman. Yes. Salamat.
Ayon, the usual, flag cerem tas announcements. Walang kung anu anong anik-anik. Salamat.
Kaso, nakalahati yung bilang naming mga Pirit. Siguro yung mga iba ay di pa nakapag-enrol. Di ko alam kung ano ang mararamdaman.
Di ko nakita yung taong hinanap ko.
Malungkot.
Shet.
Ngayon ko lang narealize.
Malungkot pala.
Anyway, dalawa lang yung subject ko. Christology (New Testament) at Physical Science. Kung di ko pa pinadagdag/ pinaulit yung P.Sci eh isa lang sana ang subject ko ngayon.
********************
Yung Christology ay 7:30-8:30. Si Sister Isabelle Angela ang prof! Yehey. Ha ha. Di ko alam kung nakapagblog na ako tungkol sa kanya sa tumblr ko. Bet na bet ko kasi sya. Siguro nakwento ko na dati na may pagka-eksaherada sya pero di ko yata nabanggit na lovable talaga si Sister Isabelle Angela.
Oo, Sister Isabelle Angela.
Oo, buo.
Anyway balik sa Christology.
Medyo blurry na yung memory ko don pero ang alam ko, habang nandun ako sa klase na yon, parang ang linaw ng lahat. Nireview muna namin yung dating lesson, yung Old Testament. WAAAAAAAAAAAAAAAH! OO PALA. YUNG OLD TESTAMENT. PANALO YON.
Tapos, binigyan kami ng 5 minutes para isipin kung sino ba si Papa Jesus sa buhay namin.
Mahirap.
Mahirap kasi wala naman talaga kaming relasyon. Konti lang alam ko sa kanya. Mahirap din kasi nandoon si Sister Isabelle Angela. Tapos eh nakikita ko pang nakatitig sakin yung larawan ni Jesus na nakapaskil sa pisara. Astig. Kahit saan ako pumwesto nakatitig parin. Ang galing.
Akala ko isa-isa kaming papupuntahin sa harapan tapos pagkukwentuhin. Imbes, pinartner kami tapos dun nagkwentuhan.
Nakapartner ko si Lovely. Si Lovely ay isang loner, sabi nya. So edi lagi nga syang mag-isa, tapos napapaisip sya about Jesus and stuff. Di nya daw gets kung bakit napakalaking deal ng pagkamatay ni Jesus eh kasi nga god naman siya.
Ang harsh yata ng pagkukwento ko. Basta, mas nice yung pagkakasabi nya.
Anyway, yun nga. Naisip nya daw, di naman daw nya maiintindihan talaga kaya tinanggap na lang nya. Tapos nung tinanggap nya si Jesus ay naging secure daw sya, kinakausap nya daw, etc.
Then, it was my turn. Edi nagkwento ako.
Tananan may twist! Meron pa ring mga magkukwento sa harapan. Ha ha. Siguro dapat lang talagang malaman ni Sister Isabelle Angela yung mga kwento namin. Part yon ng teaching process, I guess.
Edi syempre una na tong mga talagang faithful sa kanilang... uh... faith. Ayon, the usual salad and salad dressing.
"Jesus is my everything, he is my protector, my counselor, he is always there when I need him." paraphrased 4 times.
Wala nang gustong magrecite. Isa ako don, syempre. Haha. Ikaw namang may madre tas sasabihin mong, "Di kami close ni Jesus. Sorry."
Eh kaso, sspsa ako. 'Kilala' nya ako. Details kung bakit sa isang separate blog post.
Di ko alam ang sasabihin. I guess I just have to be honest.
This is what I said, di na importante kung tugma ba word for word kasi ako din naman ang nagsabi.
Syempre kailangan English, bawal mag-Filipino eh.
"I have no special relations with Christ. When I was a kid, my mom would say, 'Love ka ni Papa Jesus pinako sya para sayo oooh love mo din dapat sya. Pray ka.' So I did because I still trusted and believed my mother then.
"I would pray, 'Paaapa Jisos I laaav yu.. Take care of me and my mama and my sister, I laaaaaav u. Da name of Far Son Holy Spirt EEEEYmen.'
"I grew older and found his crucifixion rather appalling and disturbing. I wondered, why do people like this guy? Liking him is so mainstream. I became an atheist, then an agnostic, then a deist, and now I am trying to regain faith in the religion I was given when I had not had the ability to say no thank you.
"The holy Spirit is my best friend. Believe me or not, I feel its presence and power. With its help, and of the coolest but oh-so-ineffable God the Father, I would strive to make myself presentable to the Son. Everybody loves him, maybe he's cool too."
Bawat isang nagsalita ay binigyan ng reward. Ako ang unang binigyan siguro kasi ako yung huling nagshare, pinakamadaling maalala dahil ako lang ang sumagot nang ganon.
Nabigyan ako ng kyut na aluminum medal.
********************
Yung susunod kong klase (P.Sci.) 1:00 pa so dumiretso ako sa public library. Kahit de-aircon yung school library namin ay mas gusto ko pa rin yun. 8:40 na akong nakarating tapos nagtext yung kaklase ko, namove daw yung klase namin na 8:30-9:30.
.
Imahe ni Carlos P. Romulo at yung mga gamit nyang kyut. Hehe. Sayang di ko pinicturan.
Nung una ay balak ko talagang magreview ng Chem. Nabasa ko pa lang eh mula dun sa paggamit ng apoy ng tao hanggang sa katapusan ng kasikatan ng alchemy. Ang boring. Pambihira.
Tapos dumiretso na ako sa mga atoms, subatomic particles, etc. Sinukuan ko na lang.
Kumuha na lang ako ng ibang mababasa kasi gusto kong dun na lang talaga tumambay hanggang ewan.
Naalala ko si Shin.
Dumampot ako ng Freud, as usual. Haha. Ang cute ni Freud magsalita. Pleasing. Badtrip nga lang kasi andaming pages nung mga papers. Lalo na yung sa The Interpretation of Dreams. Badtrip. Buti pa yung On Narcissism, ang iksi lang.
proof of experience (?)
So ayon, inantok [at nakatulog] din ako kaya dumampot na naman ako ng iba [nang ako ay magising]. Yung napili ko ay yung kina Twain at Melville.
Nakakatuwa parehas. Nasimulan ko palang dun sa Moby Dick eh yung hanggang sa mga translation ng whale. Di man yata macoconsider yon na simula. Haha.
pehee-nuee-nuee
Bahagi na ito ng Huck Finn. Haha. Twain, Twain, Twain.
Biography pa lang ni Twain at dalawang chapters yung natapos ko pero oks na rin yon. Babalik na lang ako. Hehe.
********************
Wala na akong klase pero bumalik ako sa school para mag-wifi. Ha ha.
Eto si Fred. Namiss ko sya.
Pinansin naman ako ng mga kaklase ko pero wala na yata akong ganang makipagusap kaya nanahimik na lang ako hanggang malo-bat yung phone ko. Nalobat nga, eventually, at ako'y nagpasya nang umalis.
********************
Eto ako sa tricycle. Mukha akong manyak.
********************************************************************************
osom pilot post.. . .ha ha. I had laughs
ReplyDeleteeda subukan mo ring basahin yung "Grimpow by: Rafael Abalos.
ReplyDeleteAll right I will. Thank you :)
Delete