Tuesday, November 13, 2012

Katulad ng sa iba pang mga damit na gustung gusto kong talaga, hindi ko ito kasya.
Hindi ako pumasok ngayon.
Hindi kami nagluto ng almusal. Pumunta kami ng lola ko sa kabayanan para bumili ng ulam. Katapat nung karinderya na pinagbilhan namin ay ukay-ukay. Pumunta kami don para tumingin at hopefully ay bumili ng palda. Natuon yung atensyon ko sa mga long-sleeved na garments.

Ito yung una kong napansin... gawa siguro ng pink yung agad napapansin parati ng mata ko. Ewan ko ba.
Bet na bet ko sana to... pero.

Tas hindi ko nga ito kasya. Sigh. Di ko na kinuhanan ng picture. Nakakadismaya.
Ang binili ko na lang ay itong may paisley. Sigh. Ha ha.

Monday, November 12, 2012

1 or 2 years ago?
Hindi ko talaga alam kung ano ang pwedeng pag-usapan at kung ano ang pwedeng ikwento kay Amigo, hindi ko talaga alam kahit ilang araw na akong nag-isip.
Hindi ko naman na talaga kinailangang mag-isip kasi isa si Rapu sa mga talagang solid at fluid na kaibigan ko. Pag kasama ko kasi yung mga yon basta basta na lang lumalabas yung mga ideas and shit (lol not literally ok). Words are flowing out like endless rain into a paper cup kumbaga haha. Feeling ko korni ako at nakakatawa [simultaneously] kapag kasama sila, sya especially.
Oyyyy, special daw oh. Hahaha.
Natutuwa ako kasi hindi sya nagpapakita ng gentlemanly gestures. Pak na pak sa akin yan pagdating sa pagkakaibigan kasi mapapa-yuck lang ako kapag pinambukas nya ako ng pinto or pinang-ano ng upuan o kaya kinompliment yung buhok ko. Hahaha seryoso.

Alas dos na akong natapos sa mga obligasyon ko sa eskwela. Alas dos na rin syang nagtext.
Blah blah blah ayon napagpasyahan na rin nyang puntahan na lang ako sa eskwelahan ko. Haha. Pinagtawanan pa sapatos ko tangina hahaha. Tas ayon kumain kami sa Jollibee. Shang hai rolls ye hey! Ang sarap kasi non, paborito ko yon sa Jollibee. Ang sarap kasi, ugh, ang sarap— di pa bitin. Haha. Naubos na tas nagkwentuhan (KWENTUHAN HA HA HA HA) nang konti tas ayon nagutom na naman kasi andaming kumakain sa paligid. :( Istipageti, prayd chiken... etc. Kawawang magkaibigan. Haha. Buti na lang at mabait sya at bumili sya ng fries. Ahay. Pero wala pa rin eh may mga kumakain pa rin ng mga istipageti at prayd chiken. Blah blah blah umalis na kami at nagtungo ng library.

Isa sa mga napag-usapan: kagat ng lamok
Panalo.
I forgot to mention pala, haggard na haggard ako kanina at ang pangit pangit pangit ko na. Ang reklamo naman nya, fluffy na daw yung hair nya.

Madami kaming nakasalubong papuntang library. Haha. May isang pack ng mga estudyante ng Tarlac High na talagang inangkin ang pavement. Yung pinakamaingay sa kanila, may nasabi pang, "Paano mo nga papaharapin eh nakatalikod nga?" Isa ba yong pilosopiya na kailangan ng pagkukuro-kuro? LOL kung oo wala na kaming pake kasi malapit na kami non sa library.

Dun sa library nagbasa sya tungkol sa accounting (yata) at ako naman nagbasa ng A Midsummer Night's Dream. Bago yon ay labo-labo muna, haha. Tumingin muna kami ng atlas and all.

May kung anong hiwaga daw sa librong iyan. Nage-gets na daw nya yung mga dati'y hindi nya ma-gets. May notes yata yung previous reader... ewan di ko masyadong tinignan hehe. 


Hindi to stolen. Pramis ha ha. May picture din ako sa phone nya ang pangit ko don.



Malapit na kaming abutan ng closing time library. Masaya sanang maabutan ng closing time pero gigil na kaming makipagkita kay Rizza
Si Rizza
na hindi nagrereply
na hindi rin kami sinamahan nung minsan.

On our way papunta dun sa eskwelahan namin ni Rizza, marami na naman kaming nakasalubong (at pasikreto kaming nakialam).

Limang minuto kaming naghintay kay Rizza. Dismissal na non. Labasan na ng mga friends at mga school mate ko. LOL saktong yung mga una pang lumabas eh yung friends ko. Nag-hi sila, na parang may kasamang *hmm hmm*. Tas ayon lumabas na si Rizza.  Huhu. Kasama nya pala si Raven. Pinakilala nya sa amin si Raven (which happens to be her new love interest? IDKLOL). Di daw sya pwede.
Si Rizza
na may date
na hindi na naman kami sasamahan.
LOL.
Tas ayon hinatid na lang nya kami palabas ng school.
**********

Mas feel ko talagang magkwento na lang ng mga pangyayari kesa idescribe si Rapu. LOL. Baka mamaya cheesy pa, yak. Joke lang. Astig si Rapu. Hehe.
Bago ako magsulat tungkol sa trip namin ni Rapu ngayon... pipilitin ko munang magkwento nang kaunti tungkol sa crush ko.

Alam ni Shin na ayaw ko yung salitang iyon. On second thought, di ko naman talaga hate... di lang bagay sa kanya.

Sya na lang talaga yung dahilan kung bakit

  • Gusto kong maging maganda
  • Kung hindi maging maganda, maging invisible na lang
[Invisible Monsters ang peg? Haha]

Ssssh. Don't tell.

Sunday, November 11, 2012

Contemplating while grilling and every day after



  • Kailan magagalit si Shin sakin?
  • Dapat ko bang paniwalaan si "Not Heintje Mendoza"?
  • "Wish you where here." Ang sakit sa ulo.

Mga Pusa... (photos)

 Matagal kong pinag-isipan kung anubang magandang title para sa post na ito. Ang tagal kong nag-isip. Naisip ko, what's the use in bothering? Ano pa ba sila kung hindi mga pusa?

Sweeney

Marceline

Nato at Kiko

Nato

Sa reception kanina
Binyag kasi ng pamangkin kong kambal kanina...
Hindi ko alam. Ang awkward lang ng buong experience. Di ko alam kung saan uupo, kung kanino magmamano, etc.
Di ko alam.

Anyway ito si Nathan. Tulog si Ethan.

Hindi naluluma...

Timing na timing yata yung hiatus ko. Andami kasing nangyaring makirot sa puso at nakakainis noong Nov 8-10. Hindi ko na ilalagay dito.
Sasanayin ko na sigurong hindi na magkwento tungkol sa mga problema ko. Maganda daw na naglalabas ng saloobin and all pero ewan ko ba... I think I'm done bothering. Sabi nga ng isang kaibigan ko, I just bother too much.
Marami talaga sa mga payo at sinasabi ng mga kaibigan ko ay hindi naman talaga nakakatulong at/o nakakaoffend lang nang kaunti. Ha ha. Kaya makikipagusap na lang ako tungkol sa mga crush at mga boring but superficially happy stuff.
These would be my resolutions:
Rule #1: NEVER tell about my feelings and the things that worry me.
Rule #2: Talk about my dreams. Caution: Only to be done with moderation.
Rule #3: Talk about the things they like [and although I almost always care, there would come times when I just don't have fucks to give... haha, I could give a fuck and be the light of the world]
Rule #4: As much as possible, do not start the conversation.
Rule #5: Love them even from afar.
Rule #6: Put on my blog the things I am not able to say. 
*******************

In other news, I am excited for tomorrow.
Calligraphy pen, fancy paper, and a heart to give...
Ready.

Wednesday, November 7, 2012


Likha ni Rica Concepcion

Gagawan ko sana ng parang panayam kaso sabi nya "Kaechusan mo!"
Nevermind.


Ako at si Taco (Thanatos)
x
Ang himbing ng tulog ni Hypnos kaya di ko na sya kinuha para makipag-picture. Pag medyo malaki na sila, isasama ko sila sa photo studio at magpapa-portrait kami—as in yung malaki! Syempre dapat all black ang suot ko pag nangyari yon.
x

Great Stuff on My FB Feed Today

Let's take time to appreciate these pretty finds. Hehe. 



Marianne


by Shin

Raven by Rizza




Meron pa sanang isa pero nahihiya akong ilagay dito sapagkat di na kami naguusap. Link na lang: X




Mula sa Adventures of Huckleberry Finn

Nananatili na lang talaga ako sa eskwela para sa klase at sa wifi. Ewan ko, di na ako masyadong nakikipag-usap. Ayoko yata.

Reference section ng Carlos P. Romulo Library

Pumunta ako sa public library para makapagbasa ng Huck Finn at ma-inspire para sa assignment ko sa art.  Nangyari yung una, yung kasunod di yata.

Plano ko sanang tignan yung mga scientific illustrations ng mga iba't ibang halaman at hayop kasi yun yung gusto kong style sa aking art assignment. Illustration tas scientific name sa ibaba. Napagpasyahan ko na kasing maging hayop o kaya bulaklak para medyo madali nang iexplain at madali na ring magets ng mga kaklase ko yung idodrawing ko.

Yun ang plano ko. Ang nagawa ko, nilook-up na lang ang Cats sa encyclopedia.
Nakita ko na naman yung moth. Nung unang beses ko syang makita, akala ko buhay sya. Andon pa rin sya, di nagbago ang pwesto. Patay na pala.
Nov. 5
Nov. 7

May mga picture akong nakita doon sa encyclopedia na bagay sa "mood board".





Walang ibang tao noon sa reference section kaya nagpicture ako every once in a while habang nagbabasa ng Huck Finn. I hope matapos ko na para makagawa na ako ng review. Pwede namang gumawa na ako ngayon pero palusot ko na lang yon kasi tinatamad ako. Ha ha.


May dumating na, eventually. Mag-boypren gerlpren yata. Cute nung lalake. Haha. Di ko na pinicturan. Di na rin ako nagpicture. Nakakahiya.

Some other stuff:

Napulot ko sa hagdan ng school, hehe.

Naaappreciate ko talaga tong gold something na to.
Btw, ito yung book na Huck Finn at Moby Dick. Hehe.